Masasabing tunay na napakayaman ng Wikang Filipino kumpara sa ibang wika. May sari-sarili mang diyalekto ang mga rehiyon sa bawat pulo ng Pilipinas, nananatili pa rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan at patunay na ang mapabilang sa lahing ito ay kapuri-puring tunay!
Dugong Pinoy at ipinagmamalaki ang kinamulatang salita mula sa lalawigang sinilangan. Marahil, sa iba ito’y katawa-tawang pakinggan ngunit ito’y tatak na ng mga Batanggueño saan mang dako ng mundo. Bahagi ito ng ating kultura, ng pagkakakilanlan sa ating bansa…


