May mga pagkakataong nag-iisip tayo ng mga angkop ihanda sa isang mahalagang okasyon. Dito, sa Kusina ni “Inay”
matutunghayan ang mga resipe ng dalawang masasarap na pagkaing madali ring lutuin…
PAELLA
Mga Sangkap:
1/4 tasa ( 60 ml ) extra-virgin olive oil
3 ulong bawang, binalatan at dinikdik nang bahagya
1k laman ng manok,hiniwa nang pakubiko
3 tasa (600 gms) short grain-bigas
1 1/2 quartz (1.5 liter) kumukulong tubig
1k suso, hinalbos
2 artichoke hearts, hiniwa nang pino ( opsiyonal)
250 g beans, hiniwa nang maikli, pahaba
2 tasang pinalamig na berdeng garbanzos
500g tahong, may shell
250g hipon/sugpo
8-10 strands saffron (kasubha)
asin, bagong dikdik na paminta at bay leaf
PAMAMARAAN:
1. Painitin ang oven hanggang 400 ºF ( 200 ºC/gas 6).
2. Painitin ang mantika sa malaking kawali (18 inches/ 45 cm).
3. Igisa ang bawang sa katam-tamang init. Isantabi.
4. Papulahin ang manok sa kawaling inalisan ng bawang sa loob ng 5 minuto.
5. Idagdag ang bigas at haluin hanggang ito’y mamantikaan.
6. Ilagay ang tubig at pakuluan.
7. Idagdag na ang suso,artichokes, beans garbanzos, tahong at sugpo.
8. Timplahan ng asin at paminta.
9. Ilagay ang bay leaf at kasubha.
10.Lutuin hanggang lumambot ang kanin at may kaunting natirang tubig.
11.Ihurno sa oven nang walang takip sa loob ng sampung minuto.
12.Hanguin at takipan ng foil o parchment paper. Hayaan sa loob ng 10 minuto bago ihain.
************************************************************
BEEF STRIPS w/ Vegetables and Oyster Sauce
Mga Sangkap:
1k beef strips
10 pirasong kinatas na kalamansi
1 tasang toyo
2 sibuyas, hiniwa nang pino
1 ulong bawang, katamtamang laki
1 maliit na bote ng oyster sauce
1 buong butter
1/4 Baguio beans
3 carrots
2 patatas
ilang piraso ng young corn
*Maaaring magdagdag ng iba pang gulay (brocolli, repolyo, sayote, atbp)
PAMAMARAAN:
1. Hugasan ang karne at patuluing mabuti.
2. Ibabad sa toyo,calamansi, bawang at sibuyas.
3. Balatan ang mga carrots at patatas. Ilagay sa tubig.
4. Hugasan, tangggalan ng magkabilang dulo ang Baguio beans. Hiwain sa dalawang bahagi.
5. Hiwain ang carrots at patatas ng tulad ng sa Baguio beans.
6. Pakuluan ang karne sa pinagbabaran. Dagdagan ng katamtamang tubig hangggang sa lumambot.
7. Ilagay ang 3/4 butter. Timplahan ng oyster sauce.
8. Kapag malambot at luto na, ilagay sa maayos na lalagyan.
9. Isalang muli ang kawali at painitin sa katamtamang apoy. Ilagay ang natirang 1/4 butter.
10.Iluto dito nang katamtaman ang mga gulay. Isahog din ang young corn.
11.Ilagay at idisenyo ang mga gulay at young corn sa ibabaw ng karne.
12.Ihain nang mainit.

Tuesday, 5. January 2010
Sound and Lucky links of london Earrings of Twelve Constellations. Nevertheless it is to accomplish the ornaments that you chose are fit for yourlinks london, age, dresses, occasions and so on. To appraise the ample countenance of those who accept spirit shaped face should buy jewels with almost aphotic blush and acceptable intend. Jewelries, decrepit correctly, could atmosphere and abstinent the bad-tempered point of the chin. There will never be the aftermost allotment of adornment in women’s casket, for they could not abide the allurement of ablaze links of london.
Friday, 13. May 2011
I’m really inspired with your writing skills as smartly with the format on your weblog. Is that this a paid subject or did you modify it yourself? Either way stay up the excellent quality writing, it’s uncommon to see a nice weblog like this one nowadays..