
Sino nga ba ang makapagsasabing isang babae ang makapagsasalba sa karimlang kinasadlakan ng ating bansang Pilipinas?
Kung kikilatisin ang kanyang pisikal at panlabas na kaanyuan, hindi aaakalain ninuman na magagawa niya nga ito. Sa taglay na pagiging mahinahon, mahinhin, malumanay ay natatago ang replica ng isang matibay, matatag na katauhan na kayang magsakripisyo para sa kapakanan ng kanyang mga kababayang Pilipino.
SIGAW ng NAKARAAN-
Tandang-tanda ko pa ang lahat. Agosto 21, 1983- ang iyong pinakamamahal na kabiyak ay pinatay nang walang kalaban-laban. Binaril sa ulo ng kung sino nga ba(?). Mula’t sapul ay batid mo na ang mahalagang taong ito sa iyong buhay ay may paninindigang makapagbigay ng katarungan at kalayaan para sa lahat. Ang kanyang kamatayan ay naging ugat at simula ng laban sa buhay mo at ito rin ang gumising sa mga piping bibig, mga napipiringang mata ng bawat Pilipino. Ang mga damdaming nakulob at mga pagal at inip na katawan ay nagkaroon ng panibagong sigla at pag-asa. IKAW, mahal na Pangulo ang gumawa ng paraang hindi sa pamamagitan ng dahas kundi ng matinding sakripisyo! Ito’y dahil sa iyong matibay na pananalig sa PANGINOON- na hindi SIYA magpapabaya sa mga taong ang ipinakikipaglaban ay ang tama.
Pagkatapos ng 30 buwan, nagsimula na ang matinding hamok na ito. Marami, maraming pangyayaring tunay na nangibabaw ay ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa.
Isa ako sa mga naging saksi ng EDSA REVOLUTION (Pebrero 22-25, 1986).Kung nasaan ang laban, nandoon din ako. NAGKAISA ang lahat- walang mayaman, walang mahirap. May pinag-aralan o wala naging pantay-pantay. ISA kang biyaya sa mga mamayang Pilipino!
Nangyari na ang dapat mangyari. IKAW ang tinanghal na kauna-unahang babaeng Pangulo, ang naging daan sa aming panibagong lakas at pag-asa. Salamat po!
Bilang isang tao, may mga kahinaan ka rin ngunit mas nakahihigit ang iyong mga kalakasan.Ang mga dagok na dumating ay napaglabanan mo nang matiwasay dahil nga isa kang tunay na mananampalataya, isang tunay na anak ng Diyos.
Matapos ang iyong paglilingkod ay hindi pa rin nawawala ang iyon
g pagmamalasakit. Nandoon pa rin sa puso ang misyon. Ang misyong kahit kailan magiging tagapagtanggol ka pa rin ng iyong mga kababayan. Ito ang misyong iniwan ng iyong namayapang asawa na handa mong ipagpatuloy.
Isa na namang laban ang dumating sa buhay mo. Dinapuan ka ng sakit na mahirap bigyang lunas. Hinarap mo ito ng walang anuman. Nandoon pa rin ang sigla at ngiti sa iyong mga labi. Handa ka. Hanggang sa huling sandali ipinamalas mo pa rin ang iyong katatagan.
Nitong Agosto
1, binawian ka ng buhay. Masakit, mahirap tangggapin ng lahat ng mga nagmamahal sa iyo. Ngunit nangyari ang kagustuhan ng Diyos. Nagdalamhati ang buong mundo sa iyong pagpanaw. Kapayaan para sa iyong kaluluwa, mahal na Pangulo.
Damang-dama ko ang nararamdaman ng iyong pamilya habang nakikita nila ang reaksiyon ng mga taong nakidalamhati sa araw ng iyong libing.(Agosto 5, 2009) Sa kabila ng iyong pagpanaw ay naging inspirasyon ito para sa lahat.
Ang mga Pilipino’y doon lagi sa alam nilang may magagawa para sa bayan. Anumang hirap ay kaya nilang tiiisin dahil iyan ang ipinakita ng taong kanilang ipinagluluksa at dinaramayan. Maging “wake up call” sana ito sa iba pa- TUNAY na lagi pa ring mananaig ang PAGKAKAISA ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang KARAPATAN!
NGAYON-
Sabi nga ni Kris sa kanilang paghingi ng tawad sa iyo, hindi nila alam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagdadalamhati. Aniya’y hindi iyon ganoong kadali dahil naging napakabuti mong ina. Isa kang ehemplo!
Ako, sampu ng milyung-milyong mamamayang Pilipino ay nakikiayon sa nararamdaman ng iyong pamilya.
Mananatili kang buhay sa aming alaala. Ang iyong ginawang sakripisyo ay sapat ng katibayang isa kang tunay na bayani! Paalam, mahal naming Pangulo!

Tuesday, 11. August 2009
Aug. 11, 2009
Napakaganda ng write-up mo tungkol sa ating Pangulong Cory…Believe talaga ako syo!!!! Thumbs up! God has given you a gift and treasure that…
Tuesday, 11. August 2009
nice article madam! but u know what ,me and my TITA DDING went to greenhills nd personally vct d late president cory Aquino.she is so beautiful wearing yellow suit.believe me madam.grabe ung pila pumila kami almost 4 hours .12mdnyt n kmi nka uwi.
Thursday, 17. September 2009
Congratulations! I love this write-up.
Like you, I and my husband and our son Othello, who was only 10 months old then, joined the EDSA Revolution on Feb 1986 (sad to say, we did not thought of taking pictures). Day to day we went back EDSA until that very night when the dictator left the country. As much as possible, we joined the yearly People Power anniversary celebration. That’s how thankful and faithful we are to Tita Cory.
During her wake, Monday, Tuesday, I was with friends at the Cathedral. It took us more than 6 hours of standing rain or shine just to have even a “3 second” view of our dear Tita Cory. Umulan, umaraw, di kami umaalis sa napakahabang pila. We were also there on Wednesday, her last day and I was able to take my last celfone shot when the casket was passed by our side.
Saturday, 14. May 2011
Are you serious? I’m so glad to have searched this on google. This is worthy to share to all people I know.