
Mula sa maalamat at mayamang lupain ng mga Batangueno… ang napakasarap at kakaibang timpla ng…
“ATSARANG PAPAYA”
Mga Sangkap:
5 tasang (puno) ginadgad na papaya (medyo pino)
10 tasang asukal
5 boteng suka
3 sili (bell pepper-hiniwa nang pahaba)
1 ½ ulo ng bawang- (hiniwa nang manipis, maliit na pahaba)
2 carrots –(hiniwa nang medyo manipis na pabilog)
*maaring kortehan ang gilid na tila bulaklak
½ tasang luya- hiniwa nang manipis, maliit na pahaba)
asin, paminta (durog)
1 kutsarang dinikdik na luyang dilaw o food color (pangkulay)
pasas- kung kinakalingan
PAMAMARAAN:
- Pumili ng 4 na malalaki at sariwang papaya. Hugasang mabuti at talupan.
- Tanggalan ng buto.Hugasang muli at patuluing mabuti.
- Gadgarin ito sa pinong gadgaran.
- Budburan ng asin ang nagadgad na papaya. Lamasin at pagkatapos ay pigain.
- Ilagay sa malinis na planggana ang pinigang papaya.
- Maghanda ng malinis na tela (katsa) at muling pigaing mabuti. Maaring ulitin kung may katas pa.Ang mga pinigang papaya ay ilagay muli sa isang malinis na planggana.
- Himay-himayin o paghiwa-hiwalayin ang pinigang papaya.
- Takalin sa tasa ang mga ito. Sundin ang proseso sa itaas batay sa kung ilang tasa ang natakal. Magdagdag o magbawas ng sangkap. Pagsama-samahing muli ang tinakal na papaya.
- Magsterilize ng mga boteng paglalagyan. Isantabi.
- Sabay-sabay na pakuluan sa suka ang carrots, sili, bawang at luya. Tikman at dagdagan ng konting asin o paminta ayon sa panlasa. Ilagay ang luyang dilaw na nasa loob ng kapirasong tela at ilubog hanggang kumulay. Kung wala, gumamit ng konting dilaw na food color.
- Ibuhos sa ginadgad na papaya ang suka kasama ang mga sangkap. Palamigin.
- Ilagay sa loob ng bote. Maaring idesenyo ang ibang sahog- bulaklak ang carrots , dahon ang sili., at panggitna ang pasas.

- *May mabibiling atsara dito sa “Kusina ni Inay”
maliit na bote- Php 45 oo; malaking bote Php 85 oo.
- Tirahan- 292 B A. Mabini St., Brgy. Sto. Nino Cainta, Rizal
Cel No.- 09225218973
ula sa kusina ni Inay, narito ang resipe ng Jardinera:
JARDINERA
Mga Sangkap:
1k baboy (laman)
¼ atay ng manok
½ chicken breast
6 pirasong Hotdog
(hiniwa nang pakudrado-cubes)
6 sariwang itlog
4 itlog na nilaga
(slice)
1 piraso chorizo de bilbao
(hiniwa nang pakudrado-cubes)
1 tasa (pickle relish)
1 tasa (pasas)
1 tasa (arina/corn starch)
1 maliit na pakete ng Tomato sauce
1 lata Pineapple tidbits (439 grams.)
1 ulong bawang (dinikdik)
1 malaking sibuyas ( hiniwa nang pino)
Star margarine /Butter
6 llanera
malinis na dahon ng saging (tinabas na kasukat ng llanera)
Pamamaraan:
- Pakuluan ang baboy, atay at chicken breast .Palamigin nang bahagya at hiwain nang pakudrado.
- Painitin ang kawali, lagyan ng margarine o butter.
- Igisa ang bawang, sibuyas, baboy, atay at chicken breast sa loob ng mga ilang minuto.
- Idagdag ang iba pang sangkap- hotdog, pasas, pineapple tidbits, pickle relish,chorizo de bilbao at Tomato sauce.
- Iluto sa loob pa ng ilang minuto at dagdagan ng harina. Isantabi.
- Ilagay ang mga tinabas na dahon ng saging sa loob ng llanera. Lagyan ang mga llanera ng margarine o butter.
- Iayos sa ilalim ang nilagang itlog . Paghati-hatiin ang dami sa 6
- Buhusan ng konting binating itlog. na llanera. (mula #7-10)
- Ilagay na ang mga iginisang sangkap.
- Ibuhos ang natitira pang binating itlog.
- Pasingawan (Steam) sa loob ng 30 minuto

Tuesday, 11. August 2009
U knw wat i do love to eat atsara.he he he he he he
Monday, 14. September 2009
nami miss ko na ang atsara ng batangas! sarap nun sa fried fish. tuloy mo lang ito leony, gud luck. paano ba mag blog o magkaron ng website. paturo naman dyan. regards to all our friends in ccc
Tuesday, 22. September 2009
Emma, it’s good to know you are interested about building your own website. I would like to offer you my help in building your own website. If you want you can email me at rheabonifacio@logicroutes.com . Hope to hear from you soon, have a nice day!