Subukan Mo…
BAKED MACARONI
Mga Sangkap:
Red Sauce:
1 kilo macaroni (elbow)
2 pakete- spaghetti sauce- sweet style
1 bote- catsup (UFC)
1 pakete -Knorr Beef cubes
1/2 kilo giniling na baka/baboy
1/4 hotdog
1/4 kilo ham
1 malaki carrot
1 latang mushroom
***********************************
White Sauce:
1- kahon - all purpose cream
1/2 butter
2 kutsara corn starch
***********************************
2 kahon- keso (quick melt)
pamintang durog
2 sibuyas
1 ulong bawang
PAMAMARAAN:
Hiwain ang sibuyas. hotdog at ham.Dikdikin ang bawang Magpakulo ng tubig at lagyan ng kaunting mantika at asin. Palambutin ang makaroni at pagkatapos ay salain. Ilagay sa isang malinis na lalagyan. Painitin ang kawali at lagyan ng 1/4 butter. Igisa sa butter ang bawang, sibuyas at giniling. Palambuting mabuti ang giniling. Ilagay ang spaghetti sauce, catsup, hotdog, ham, carrots, Knorr beef cubes at mushroom.Timplahan ng paminta at gadgaran ng keso. Timplahin ayon sa panlasa mo. Magbukod ng ginawang red sauce. Haluin ang macaroni sa natirang red sauce. Painiting muli ang kawali at tunawin ang natirang butter. Ilagay ang all- purpose cream at corn starch upang makagawa ng white sauce. Ilagay ang macaroni sa tray. Pantayin. Lagyan ng white sauce. Isunod ang red sauce.Iayos ang ham, hotdog, mushroom sa ibabaw at gadgaran ng keso. Tabunang mabuti ng keso. Isalang ng ilang minuto upang malusaw ang keso at mabaked na rin.
CHICKEN INASAL
Mga Sangkap:
1 kilong manok
1/4 tasang mantika
3 kutsarang achuete
2 butil na bawang, dinikdik
kaunting luya
2 tangkay na tanglad (lemongrass)
1/4 tasang suka
Para sa dipping sauce:
1/4 tasang toyo
2 kutsarang suka
2 kutsarang Maggi savor garlic
1 pirasong siling labuyo
PAMAMARAAN:
Painitin ang mantika at ibuhos ang achuete. Ihalo ang dinikdik na bawang, tanglad, luya at suka. I-marinate dito ang manok sa loob ng isang oras. Ihawin ang manok hanggang sa maluto. Gawin ang dipping sauce sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng lahat ng sangkap.

Thursday, 25. June 2009
galing fve ko chken,il try 8 myself.COOKING! HE HE HE AND MACARONI D best din he he he. ur d best inay.more more more more rspeeeeeee!!!!!
Saturday, 27. June 2009
i try q baked macaroni po. meron po b kau lasagna? fave nmin yun. tnx po.
Monday, 3. August 2009
mmmmmmmmm.sarap
Friday, 13. November 2009
isangupuan.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading isangupuan.com every day.