Inspirasyon ang Nagpapagalaw ng Bawat Sandali!
Tunay ngang mahirap ang magsulat ng kahit anong bagay. Kailangang makuha ang tiyempo na kumikilos ang haraya at walang sagabal. Maging maikling kuwento, tula, munting talinhaga at ano pa mang produkto ng kaisipan at damdaming nag-uumapaw na makalabas sa kanyang pinaglulunggan, kailangang ng musa na pupukaw sa imahinasyon.May dating, masisiyahan at titimo sa isipan maaring mo, niya at ninyo… sa isang upuan.
Heto ang mga pinagsama-samang galing ng imahinasyon…ng mga napapanahong manunulat!
“Puto lang ako sinta, “Dinatnan kong tahimik
May init ng bibingka, Ang lawa at namingwit;
Tamis ng majablanca, Nasilip ka sa langit,
Sapin-saping ligaya.” Ang nahagkan ko’y tubig.”
-Dan Clarena Cruz -Lorelie Chua
“Huwag mong ipaumanhin, “Pamilya’y parang araw
Kung malambot ang sinaing, Malayo man sa tanaw
Mas karima-rimarim, Nagbibigay ng tanglaw.”
Ang malata mong tingin.” - Rosemarie Pacio
- Jonathan Bruzo
“Ang payong ko’y si Inay, “Nang ako’y nag-aabang
Kapote ko si Itay, Ng tala’t bulalakaw
Sa maulan kong buhay.” Bigla kang napadaan,
_Raymond Pambid At ako’y tinamaan!
-Mark Abeleda
“Aanhin yamang Saudi,
O Yen ng Japayuki,
Kung wala ka sa tabi.”
- Fernando R. Gonzalez
“Lola’y huwag malungkot,
Ngayong uugod-ugod,
Ako po’y inyong tungkod.”
- Gregorio M. Pedillo
Simpleng-Sumimple
Simple lang si Sis, naka-Cortina…
Mamalag-malag, Sa harap nila
Pagkuwa’y buntis. (paparada pa!)
Minsa’y mainis Ganyang kabilis
Papalag-palag, Kakawag-kawag
Saka aalis. Dalagang misis!
Paparada sa harap niya: May Ey-Ay- Di-Es
mga nakagoma, Kakag-kagkagkag,
mga nakakurbata, (Simple lang si Sis!)
mga de- boga
- V. E. Carmelo Nadua Jr.
Punta na sa isang upuan at pagalawin ang imahinasyon, isipin ang inspirasyon at maari ka na ring maging isang manunulat!

Sunday, 7. June 2009
awtz! ang lalim di ko maabot! hahah!
Thursday, 6. August 2009
hello I am raphael gr.3 st.maria goretti I also want to be a writer
Thursday, 6. August 2009
I’ll go to your room and visit you one of these days.